Pinalagan ng tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino ang tsismis na umanoy nasa ICU siya at nasa kritikal ang kanyang kondisyon.


"it’s been disturbing that since Friday so many have been spreading fake news about me being either in St Luke’s BGC or the States but always with the same theme, that i’m in the ICU and in critical condition. NONE OF THAT IS TRUE." sabi ni Kris 

Ayon kay Kris, buhay na buhay siya lalaban dahil alam niyang kailangan siya ng kanyang mga anak.


"ayaw akong tigilan ng #fakenews and parang sobrang excited yung mga trolls na within 1 year both Noy & me would pass away. Sorry to disappoint pero buhay at ilalaban pa na mapahaba ang oras ko because kuya josh & bimb still need me." 


Si Kris Aquino ay kilala bilang Queen of All Media, isang television host, actress at product endorser. Siya ay bunsong anak nina Ninoy Aquino at dating President Cory Aquino. Kapatid rin siya ng namayapang si Dating President Benigno Noynoy Aquino III.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post