Kahit hindi maayos ngayon ang kalusugan ni Kris Aquino ay hindi parin nakalimutan ng queen of all media na mamigay ng tulong sa mga nangangailan.


Nagpadala ng 1,000 pandesal si Kris Aquino sa Philippine General Hospital kahapon at nangako na susundan pa ito sa susunod na siyam na linggo.

Nagpost si Kris sa kanyang instagram ng isang larawan na makikita ang tinapay na kanyang ipinamahagi sa nasabing ospital.

 Sabi niya sa caption: "I pledged starting today, 10 consecutive Wednesday, of 1000 cheese pandesal for PGH personnel, their patients and companions."

Aminado si Kris na hindi maayos ang kanya ngayong kalusugan dahil sa sakit niyang uto-immune disease, pero "ginagawa pa rin namin ang lahat ng kakayanin sa ngayon para makatulong sa kapwa."


 Sabi pa ni Kris: "Hindi nyo kami iniwan nung kami ang nangangailangan…I am just reciprocating in the way i am at present able to, the LOVE, SUPPORT, KINDNESS, COMPASSION, and LOYALTY many Filipinos have given me and my family, especially now that many need assistance.

"Lahat ng napangakuan, ginagawan ng paraan na matupad bago mag-January 25, birthday in heaven ng mom ko," 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post