Naiyak ang kapamilya actress-vlogger na si Ivana Alawi na nagpositobo sila ng kanyang ina at kapatid na si Hash sa C0VID.


Sa kanyang vlog nito lamang Sabado isiniwalat ng actress na nalungkot siya nang malaman ang test dahil sa nakalipas na dalawang taon ay negatibo ang kanyang nga swab test.

Ayon kay Ivana nagulat raw siya nang magpositibo sila sa sakit dahil hindi naman raw sila lumalabas at nakikiparty.

“Nagulat ako kasi sobra kaming maingat. Naka-vaccine na kami. Di ako lumalabas ng bahay,” sabi ng actress

Kwento ni Ivana, una raw na nagpositobo ang kanyang ina at nahirapan umano ito sa paghinga. Agad naman itong nag-isolate sa ibang bahay.

Sumailalim sa RT-PCR test ang iba pang miyembro ng pamilya pero lumabas na negative silang lahat.

Ngunit matapos ang dalawang araw, medyo hindi raw maganda ang pakiramdam ni Ivana kaya siya ay nagpatest ulit.

At ang resulta ay nagpositobo siya sa naturang sakit maging ang kapatid niyang si Hash ay nagpositobo rin.

Nagnegatibo naman ang iba pang kapatid ni Ivana kabilang na si Mona.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post