Binasag narin sa wakas ni Daniel Padilla ang kanyang katahimikan kaugnay sa pang-iintriga ng self proclaimed "Pambansang Marites" ng bansa na si Xian Gaza sa kanila ni Barbie Imperial.


Ito ay dahil sa isang picture na pinost ni Xian sa kanyang facebook na kung saan makikita si Barbie sa likod ng ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada.

"Si Barbie ba 'yung nasa likod ng mom ni DJ?" caption ni Xian sa picture na magkasama sina Barbie at Karla.

Sa nauna namang post ni Xian, minention niya si Barbie at ang girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo.

"Barbie Imperial neseye ne eng lehet Kathryn Bernardo," post pa ni Xian

Pero ayon sa ilang netizens magkaibigan sina Barbie at ang kapatid ni Daniel na si Magui kaya nasa picture ito.

Matatandaang si Xian ang nagpasabog ng issue na nagkasikatan umano si Barbie at ang boyfriend nito na si Diego Loyzaga sa isa hotel sa Tagaytay.


Samantla, sa isang post sa instagram, ibinahagi ng solidkatniel ang screenshot kung saan tila sinagot na Daniel ang pang-iintriga ni Xian.

Ayon kay Daniel, wag nalang daw pansinin dahil "nonesense" raw ito.




Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post