Talagang di makapagpigil at binanatan ni Andrea Brillantes ang isang chismosang netizen na nagkomento sa tiktok video ng actress.


Sa kanyang tiktok account nito lamang Jan. 13 ay nagpost si Andrea ng video na tila umiiyak kasunod ng pagviral ng larawan ni Seth Fedelin kasama ang pamilya ni Francine Diaz.

In-unfollow narin ni Andrea si Francine sa instagram at maging si Francine ay in-unfollow rin si Andrea. 

Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ano ang dahil kung bakit in-unfollow ng dalawa ang isat-isa.


Samantala, ayon sa netizen na nagkomento sa post Andrea: “Usap muna [kayo nina Seth at Francine], bago [ang] drama, sis.”

Agad naman binuweltahan ni Andrea ang nasabing netizen: “Ikaw na chismosa ka, ‘wag kang umasta na parang alam mo lahat at alam mo kung bakit ako nagda-drama. ‘Yan ang problema sa inyong mga chismosa eh.”


Read more here: https://www.kapamilyaonlineworld.com/sigaw-ng-francine-fans-andrea-brillantes-blinock-si-francine-sa-instagram/

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post