Nagbigay na ng kanyang prankang reaksyon si Vilma Santos kaugnay sa relasyon ng kanyang ex-husband na si Edu Manzano kay Cherry Pie Picache.

Sa latest vlog ni Luis Manzano, ay tinanong niya ang kanyang Mommy V: “Ano ang iyong reaksiyon sa pagmamahalan ni Daddy O at ni Tita Pie?” 

Tila na shock si Vilma sa tanong ni Luis ngunit ayon kay Vilma happy raw siya para sa kanila.

“Grabe ka! Ang dami-daming tumatawag sa akin, nag-iinterbyu, hindi ko sinasagot, anak. Ang sabi ko, I don’t want… ayokong makialam sa isyu na ‘yan… 

“It’s just that… what’s important, I guess is, puwede ko lang i-share, I’m happy. I’m happy, I’m happy. 

“You know naman si Eduardo, your dad, and Pie is a very close friend of mine. 

"At this point in time ng buhay natin, ang pinakaimportante lang is nandiyan ang respeto at pagmamahal, so I wish them all the best" ani Vilma kay Luis 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post