Sa kanyang post sa twitter, ibinunyag ni Apple CEO Tim Cook na magbibigay ang kanilang company ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Pilipinas at Malaysia.

"Typhoon Rai has caused so much devastation in the Philippines and Malaysia — so many families have lost so much. Apple will be contributing to relief, recovery, and longer-term rebuilding efforts. #OdettePH" sabi ni Cook sa kanyang twitter post 

Matapos itong makita ni Pia Magalona, ina nina Maxeen at Saan Magalona ay sinabihan niya si Cook na idiretso sa Opisina ng Bise Presidente ang nasabing donasyon.

Para raw maibigay talaga ang mga donasyon sa naapektuhan ng bagyo.

"Pls make sure you send it straight to the Office of the Vice President to be sure it gets to those affected by #OdettePH. Thank you!!" ani Magalona sa kanyang post 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post