Talagang di mapigilang purihin ng Talent Manager na si Ogie Diaz ang kapamilya actor na si Joshua Garcia na kamakailan lang ay nagtrending dahil sa kanyang TikTok video.

Ayon kay Ogie at Mama Loi sa kanilang Showbiz Update vlog, marami raw ang naging interesado sa mga video ng pelikula ni Joshua na naibabahagi sa TikTok matapos siyang mag-viral. 

"Sa TikTok Loi, binabalikan nila yung mga dating acting ni Joshua. Magaling! At napakahusay niyang umarte," sabi ni Ogie 

Isa rin sa napag-usapan nila ang tungkol sa pagrescue ni Joshua kay Jane de Leon nang magkaroon ito ng wardrobe malfunction sa ABSCBN Christmas Special.

Matapos nito ay umani ng papuri si Joshua mula sa mga netizens at maging si Ogie at humanga sa kabaitan ng actor.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post