Kinaaliwan ngayon ang nakakatuwang reaksyon ni Luis Manzano matapos malamang magkarelasyon na ang kanyang amang si Edu Manzano sa actress ma si Cherry Pie Picache.

Sa isang panayam ni G3 San Diego sa actor kasama ang asawa niyang si Jessy Mendiola ay nagbiro ang actor na baka ipantapat pa raw ito ng KathNiel.

"Feeling ko nga eh kung nagkataon lang na let's say by next year, kunwari lang, we're hoping and praying na maibalik and prangkisa ng ABS, feeling ko baka si daddy saka si Tita Pie baka itapat sa KathNiel," sabi ng actor 

Aniya masaya raw ang kanyang ama sa karelasyon nitong si Cherry Pie.

Ibinahagi rin ni Luis kung paano niya nalaman ang relasyon ng kanyang ama kay Cherry Pie.

"I think a friend of mine took a picture with them and he sent me a picture. He was with Daddy and Tita Pie. Date night yata sila. So I sent the picture back to Daddy. I said, ‘Uy daddy, happy boy ka.’ Sabi niya, ‘Yes anak, happy,’" pagbubunyag ng actor 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post