Usap-usapan ngayon sa social media ang diumanoy pagtatambal ng kapamilya leading man na si Gerald Anderson at ang YouTube star at kapamilya actress na si Ivana Alawi.

Ayon sa Tea Pa More FB page, sa susunod na taon na raw mapapanood ang kanilang serye.

Marami namang netizens ang natuwa sa umuugong na tambalan ng dalawa.

Ilang netizens naman ang nagkumpirma matapos makasama ni Ivana sa kanyang song number sa ABSCBN Christmas Special sina Gerald at Sam Milby.

Hindi pa man kinumpirma ang nasabing tambalan peru ayon sa ilang netizens GerVana na raw ang kaabang-abang na tambalan sa susunod na taon.

Anong masasabi mo dito?



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post