Nagbanta si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na kakasuhan ang mga netizens na nagbibintang na ninakaw ni Kris Aquino ang mga alahas ni dating First Lady Imelda Marcos.

Sa kanyang facebook post, ibinahagi ni Sereno ang kanyang pagbabanta laban sa mga netizens.

Sabi niya: “Simula ngayon, kukuhanan na namin ng screenshots ang lahat ng magko-comment ng ganito, pati ang profile details niyo, at ipadadala sa Bangko Sentral, sa PCGG, at sa sinisiraan n'yong tao.

“Dalawang government institutions po at isang individual ang sinisiraan n'yo. Paano po n'yo sinisiraan ang PCGG at Bangko Sentral?

“Sa ilalim ng batas, hindi nila maaaring galawin at ipagamit sa maling paraan ang mga assets na ipinagkatiwala sa kanila, gaya ng mga alahas na nasamsam na ill-gotten wealth.

"In effect, inaakusahan n'yo ang PCGG at Bangko Sentral ng paglabag sa batas.

"Dati po ay dinadaan lang natin sa paliwanag na walang basehan ang akusasyon nila kay Kris Aquino, Bangko Sentral ng Pilipinas, at sa PCGG.

“Ngunit hindi po tumitigil ang ganitong mga masasamang bintang at krimen po iyan. Kaya’t iipunin na po namin ang mga screenshots ng ganitong mga comments at ipadadala sa kinauukulan.

“Nasosobrahan na po ang pagiging kriminal ng mga gawain n'yo."


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post