Usap-usapan ngayon ang kapamilya broadcaster na si Julius Babao matapos itong mapabalitang lilisan na raw ang ABSCBN.

Ayon sa artikulo ng Politiko, nakatakda raw ang batikang brodkaster na maging bahagi ng TV5 sa pamamagitan ng News5.

28 na taon rin na nagseserbisyo bilang broadcaster at anchor na si Julius Babao sa ABS-CBN. 

Sa  ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang ABS-CBN at maging ang kampo ni Julius sa nasabing isyu.

Naging bahagi si Sir Julius ng ABS-CBN simula noong 1993 matapos ang maikling panahon nito sa GMA bilang production assistant at radio reporter. Mula sa pagiging reporter at correspondent, naging host din si Sir Julius ng maraming news and public affairs programs at iba pang palabas sa Kapamilya Network gaya ng Alas Singko Y Medya, Magandang Umaga Bayan, Talk TV, XXX (Xklusibong Xplosibong Xpose), Bistado, Mission Possible, at marami pang iba. Mas tumatak din si Sir Julius bilang main anchor ng TV Patrol World noong 2004 hanggang 2010 at Bandila kung saan umani rin s'ya ng maraming parangal bilang best male anchor. Anchor din s'ya ng Lingkod Kapamilya at Headline Pilipinas sa DZMM TeleRadyo.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post