Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang 1st anniversary vlog ni Toni Fowler kasama si Tito Vince Flores.

Sa nasabing anniversary vlog, napagdesisyonan ng dalawa na kumain ng Siopao na kung saan tinawag nilang "Siopao Date".

Kasunod nito ay ipina-alam ni Toni sa kanyang manonood na ito ngayon ang ika-isang taon simula ng aminin niya kay Tito Vince na may feelings siya sa kanya.

"Para po sa mga kaalaman niyo beshy ko, last year, December 10. Yun yung araw na inamin ko kay Tito Vince na nagkaka-feelings ako sa kanya. Ako pa lang yun. Akala niya lasing lang ako."  

Ayon pa kay Toni, hindi raw niya makakalimutan ang December 10.

"December 10 talaga, hindi ko makakalimutan yun. Ewan ko, gusto lang namin i-celebrate kasi yun yung araw na grabe, napatunayan sakin ni Vince na sobrang may respeto siya sa babae." 

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post