Muling naging usap-usapan sina Yen Santos at Paolo Contis sa social media matapos mapansin ng ilang netizens ang ibinidang bulalak ni Yen Santos kasunod ng pa-good morning ni Paolo Contis.

Sa kanyang instagram stories ay ibinahagi ni Yen Santos ang natanggap niyang Red Tulips sa kanyang birthday.

Sa kanyang post mababasa ang caption na: “Woke up to these beautiful tulips” 

Samantala, naiintriga rin ang maraming netizens sa post ni Paolo Contis sa kanyang instagram stories.

Marami kasi ang nakapansin na tila tinag ni Paolo si Yen sa kanyang post. Sabi ni Paolo, "pssssst good morning" 

Maalala na naging controversial ang dalawa matapos aminin ni Paolo na pumupunta sila ni Yen sa Baguio para mag-usap as a friend kasunod ng hiwalayan nila ni LJ Reyes.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post