Nagsalita narin sa wakas ang pamunuan mg Pinoy Big Brother kaugnay sa umanoy harassment na naganap sa loob ng Bahay ni Kuya. 

Maalala na nagtrending ang celebrity housemate na si TJ Valderrama dahil sa alegasyong minomolestiya umano nito ang celebrity housemate na si Shanaia Gomez.

Kaya naman sa twitter, naglabas na ng official statement ang PBB kaugnay sa isyu.

Ayon sa PBB pahayag ng PBB: 

"Ang harassment ay isang bagay na hindi palalagpasin ni Kuya kailanman lalo na't kung ito ay may patunay. Ngunit mismong mga housemates na ang nagsabi na walang anumang nagaganap na ganito sa loob ng bahay.  

"Nawa'y mas maging mapanuri at responsable ang lahat sa social media at wag manghusga lalo na kung hindi sapat at tama ang konteksto at impormasyon."


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post