Isiniwalat ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na tinanggahin niya ang alok ni Direk Bobot Mortiz na makasama sa set ng gagawing sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA.

Nito lamang nakaraan, opisyal ng ipinakilala si John Lloyd bilang bagong kapuso.

"Winelcome na si John Lloyd Cruz ng GMA 7 bilang Kapuso. Ang ganda ng pagwe-welcome sa kanya lahat ng big bosses nandoon ha,”sabi ni Ogie

“At bilang panimula ay uumpisahan ’yan ng sitcom nila ni Direk Bobot ’yung ‘Happy Together’ na tingnan mo ’yung ‘get,’ iba ang kulay, bale Happy To Get Her, di ba?”dagdag pa niya

Sa isang part ng video ay ikinuwento ni Ogie na inalok siya ni Direk na mapasama sa sitcom.

"Inalok nga sa akin ni Direk ’yan. Hindi ko lang alam kung same kuwento o nag-iba na ang kuwento dahil nga siguro hindi nakuha ’yung ibang gusto nilang cast.

“Kasi ang alam ko rin, parang kalahati yata ng cast manggagaling pa rin sa GMA puwera pa ’yung choice ni John Lloyd na gusto niyang makasama.”

Ayon kay Ogie, sobrang thankful raw siya na kinokonsider siya ni Direk Bobot peru gusto parin daw niyang magiging kapamilya.

“Pero sobra akong thankful kay Direk Bobot at kay John Lloyd kasi kino-consider nila ako.

“Kaya lang nga di ba, alam n’yo na? Gusto ko pa ring maging Kapamilya. Sobra ang puso ko sa pagiging Kapamilya,” 

Sabi naman ng kasamahan niyang si Mama Loi: "E, sayang trabaho na ito? Bakit gusto mo pa rin sa Kapamilya, e, wala ka namang work sa Kapamilya?” 

Sabi ni Ogie: "Una, binibigyan ako ng work ng Kapamilya, ako lang tumatanggi dahil ayaw ko ng lock-in [taping]. Kasi gusto ko pa ring nakikita ang pamilya ko, gusto ko pa ring hawak ko ang oras ko at saka nagso-showbiz update tayo [dito sa Youtube]. Gusto mong mawalan [ng trabaho]?" 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post