Sinagot na ng actress na si Michelle Vito ang ilang Marites na nagtatanong kung siya ba raw ay buntis.

Naintriga kasi ang ilang netizens sa post ni Enzo Pineda na kung saan kapan-pansin na tinakpan ni Michelle ang kanyang tiyan.

Sabi ng isang netizen: “Oww.. mukhang may revelation .magaganap yang patakip takip na yan,” 

Kaya naman agad na nagpost si Michelle sa kanyang twitter at nilinaw niya na hindi siya buntis.

Aniya busog lang daw siya.

“Happy monday mga marites… gusto ko lang naman kumain.. busog lang po ako,” sagot ng aktres sa mga haka-haka ng netizens. 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post