Nagreact na ang Viral Scandal stars na sina Joshua Garcia at Charlie Dizon matapos bansagang next John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Sa virtual mediacon ng Viral Scandal nito lamang November 11 ay di maiwasang tanungin at hingan ng reaksyon sina Joshua at Charlie kaugnay sa naging bansag sa kanila.

Ayon kay Charlie kinilig raw siya.

"Siyempre, nakakakilig namang marinig ’yun...na ma-compare kami kay John Lloyd and Miss Bea. Pero nakakahiya rin pag nalaman nila ’yun. Parang nahihiya ako sa kanila,” saad ng dalaga. “Pero siguro, thankful po ako na ’yun ’yung nakikita ng mga tao pero at the same time, nakaka-pressure rin po. And sana po, makita rin talaga nila kami bilang Charlie at Joshua po." 

Ayon naman ni Joshua:

"Ilang beses ko na kasing narinig ’yun, so deja vu ang feeling. Kung sakali man na ganu’n talaga ang iniisip nila, well, s’yempre, like Charlie, thankful din ako dahil siyempre, mga mabibigat na artista ‘yun, di ba? At kilala sa larangan ng pag-arte ’yun. So, du’n pa lang, masaya na talaga ako. And yeah, ’yun lang naman ang masasabi ko." 

Samantala mapapanood na simula ngayong lunes ang kanilang teleserye na Viral Scandal sa ibat-ibang platform ng ABSCBN.


 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post