Binasag narin sa wakas ng kapamilya actress na si Heaven Peralejo ang tungkol sa totoong relasyon nila ng social media influencer na si Kimpoy Feliciano.

Sa isang panayam, ay itinanggi ni Heaven na may relasyon sila ni Kimpoy.

"Hindi talaga. 'Di ba kapag kunyari 'yung friend mo, ‘Uy beh,’ ganoon. Pero kami ni Kimpoy, we are very best friends," sabi ni Heaven sa vlog interview ni Darla Sauler.

“So 'yung amin talaga ni Kimpoy, 'yung pagmamahalan namin, hanggang best friends lang, okay? Masanay na kayong may kaibigan akong lalaki,” dagdag pa niya 

Wala pa raw balak si Heaven na magboyfriend sa ngayon dahil fucos raw muna siya sa kanyang sarili.

"Single ako pero not ready to mingle. 'Yung kay Kimpoy, masaya lang din na nagkaroon talaga ako ng kaibigan sa showbiz. Thankful kami sa isa’t isa na finally nakahanap ka rin na kaibigan talaga na lumalabas kahit hindi magkasama sa work," paliwanag niya.

May paki-usap rin si Heaven sa kanyang basher na magpahinga muna sa pambabash sa kanya.

"Guys, alam n'yo, magpahinga rin kayo, okay? Magpahinga kayo sa kaka-bash sa akin. Sabi ko nga sa inyo, single ako pero not ready to mingle. Huwag tayo mag-assume at gumawa ng issue na wala naman talagang issue. Christmas na, dapat happy-happy," sabi pa ni Heaven

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post