Di mapigilang purihin ng kapamilya actor na si Gerald Anderson ang kanyang bagong leading lady na si Gigi de Lana sa serye nilang Hello Heart.

Sa isang interview, ibinunyag ng actor na excited siya sa serye nila ni Gigi lalo na sa kanyang karakter.

“First of all I was excited kasi yung character ko bilang si Saul is a character that I’ve always wanted to play. He’s a business tycoon and it’s a dynamic character,” sabi ni Gerald 

Na-excite rin umano ang actor na si Gigi ang bago niyang maka-tandem.

“Nung sinabi nila na si Gigi yung makakasama ko siyempre rinesearch ko agad sa YouTube and yung videos niya na kumakanta. For some reason, it always works pag ganun eh. Pag fresh at bago yung tandem, it excites me because it’s another challenge for me bilang aktor and it’s exciting for the fans,” paliwanag ng actor 

Pinuri rin ng actor ang actingan ni Gigi lalo't first time niya ito.

“Hindi mo talaga maki-create yan. Lalo na sa sitwasyon ni Gigi dahil it’s her first time to act. All you can do bilang partner niya is to make her as comfortable as possible,” sabi ng actor 

“Siyempre we’re in a very high pressure, sensitive, and vulnerable environment. Kailangan lang comfortable siya and then let the rest happen. Sa awa ng Diyos naging okay naman. Nag-enjoy kami and we feel like we made magic. I’m always open sa ganung tandem kasi it’s something fresh,” dagdag pa ng actor 



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post