Nagbigay ng kanyang prankang opinyon ang beteranang entertainment columnist na si Cristy Fermin kaugnay sa pag-unfollow ni Vice Ganda sa dati niyang kasamahan sa Its Showtime na sina Billy Crawford at Direk Bobet Vidanes.

Ayon kay Cristy kahit siya ay gagawin niya iyon.

"Kahit man ako siguro, kung may social media account ako, 'yung mga hindi tapat, 'yung mga hindi naman kayang panindigan ang sinabi, 'yung one stap away ka pa lang sa kanila'y sinisiraan ka na, ia-unfollow ko rin 'yon kung mayroon akong social media account, kaso wala e." 

Dagdag pa ni Cristy: "Dapat lang 'yan, i-unfollow na kayo. I-unfollow na kayo dahil 'yung mga sinasabi ninyo na walang iwanan hanggang sa huling hibla ng laban, sino unang lumundag?

"Oh, hihintayin daw nila na magkaroon ng nagkaprangkisa ang ABS-CBN, ilang buwan pa lang, tumalon na."

Pwede mong panoorin ang sinabi ni Cristy sa bidyong ito sa tatak na 46:41.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post