Galit na naglabas ng kanyang saloobin ang actress na si Claudine Barretto matapos siyang pag-antayin ng dalawang oras sa Emergency Room ng isang Ospital.

Nagpasugod  sa isang ospital sa Quezon City nitong Lunes ng gabi dahil sa sakit ng tiyan.

Umabot na raw nf halos dalawang oras ang kanyang pag-antay sa ER peru hindi parin daw siya naaasikaso.

Kaya naman sa kanyang Instagram ay naglive ang actress para magreklamo.

Sabi niya:

"Hello, my palanggas and Claudinians. I just had to share this with you kasi talagang parang sasabog na ang dibdib ko.

"I've been waiting for more than an hour, for almost two hours. Kaya nga emergency kasi dapat mabilis 'di ba? Because I'm feeling so much pain. May sharp shooting pain ako sa stomach ngayon. And my whole body is aching.

"So they made me wait. And then ang tagal nung doctor na umattend sa akin," 

Binura na ng aktres ang kanyang post pero ilang netizens ang nakapag-save nito at in-upload sa YouTube.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post