Nagsalita narin sa wakas ang actress na si Barbie Imperial kaugnay sa pinakalat na tsismis ng isang kritiko na umanoy sinasaktan siya ni Diego Loyzaga.

Sa isang panayam ng Push, itinanggi ni Barbie na sinasaktan siya ni Diego.

“Kasi 'yung kamay ni Diegs, sa gym talaga siya nangyari and ako mismo nagdala sa hospital sa kanya. So ang labo. Sobrang na-trigger na ako. Kasi ang labo talaga na ipagko-connect mo lang 'yung photos tapos may ganito lang sa hand, may pasa. Bakit? Hindi ba ako pwedeng magkapasa sa ibang bagay?” sabi ni Barbie 

Ayon pa kay Barbie, maayos raw ang trato ni Diego sa kanya. Kaya hinayaan nalang daw nila ang nasabing kritiko na nagpakalat ng maling impormasyon.

Dagdag pa ng actress, naawa raw sila doon sa nambabash sa kanila dahil tila malungkot ang buhay nito.

"Na-realize na lang namin na kawawa naman 'yung taong sumisira sa atin. Parang ganun kalungkot 'yung buhay niya para siraan kami at para idamay kami sa lungkot ng buhay niya," 





Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post