Isiniwalat ng actor na si Albie Casino na hirap na hirap na umano siya sa loob ng bahay ni Kuya at feeling niya isa lang siyang bisita.

"Sa nararanasan ko po ngayon, hirap na hirap, na pahirap na po ako dito.

"Siguro po habang tumatagal po mas nami-miss ko na yung magulang ko.

"Yung mga kaibigan ko po sa labas, tsaka, di ko po alam eh, parang, dahil late na ako pumasok dito, di ko masaydo, i mean, yung parang pamilya nabuo nila, feeling ko parang bisita lang ako. di talaga ako part of the family." 

Nang tanungin siya ni Big Brother kung naranasan narin niya ito dati sagot ni Albie:

"Hindi po kuya, First time 'to. So, hindi ko rin po alam kungpaano kung paano ako gagalaw dito. Tulad po ng sinabi niyo Kuya, kaya ako nandito sa bahay para mas makilala ko ang mga housemates.

"Siguro, habang nandito po ako sa bahay, mas nakikilala ko rin ang sarili ko. Nung una, talagang sinusubukan kong makisama sa kanila. Talagang, nakikihalubilo ako sa kanila. Pero ngayon, siguro nahaluan na ng pagod. Napagod na akong isiksik yung sarili ko sa parang pamilya nila.." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post