Nasa kustodiya na ngayon ng Mandaluyong City Police ang sasakyan ng actor na si Jake Cuenca.

Inaresto ang aktor kagabi, October 9 around 9 p.m. matapos umano nitong mabangga ang sasakyan ng mga pulis sa Mandaluyong City. 

Hinabol umano ng mga pulis si Cuenca dahil hindi raw ito huminto at binaril ng mga pulis ang gulong ng sasakyan ng aktor.

 Sugatan naman ang isang delivery rider na natamaan ng stray bullet.

Samantala kakasuhan naman ng mga pulis si Jake Cuenca ng Reckless Imprudence resulting to Damage to property at kasalukuyan umano itong nasa kustodiya ng mga pulis.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post