Binalaan ng beteranang entertainment columnist na si Lolit Solis matapos pagtawanan ni Albie Casino ang pagdagdag ng timbang ng kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann.

Sabi ni Lolit: 

"Napaka petty naman ng issue nila Albie Casino at Andi Eigenman , Salve. 

"Sabi nga , erase the past, don’t get scared of the future, only give importance to Now, the present. Bakit ba kailangan balik balikan ang nakaraan eh tapos na iyon.

"Kung anuman ang nangyari nuon, wala ng puwede pang baguhin dahil nangyari na. Ang importante iyon nangyayari ngayon, iyon puwedeng gawin ngayon. Saka kung gentleman talaga si Albie dapat iwasan na niya mag comment tungkol kay Andi. 

"May kanya kanya na silang buhay today, hindi na dapat ikinakabit iyon naganap sa nakaraan. Kung mataba o payat, whatever si Andi, dapat avoid ni Albie ang any comment about Andi. 

"Pati tuloy si Direk Lauren Dyogi nasali sa rant ni Jacklyn Jose. Kung hindi nag comment si Albie, di wala sana issue. 

"Kaya next time, iwasan mo na Albie noh, or else lagot ka kay Jacklyn Jose. Hell is nothing to a mother’s anger, tandaan mo iyan. Iwasan mo na, or else, lagot ka. "

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post