Ikinalulungkot ni Korina Sanchez ang pag-atras ni Kabayan Noli de Castro sa pagtakbo bilang Senador sa darating na Halalan 2020.

Sa kanyang post sa instagram, sinabi ni Korina na namiss na niya ang boses ni Kabayan sa TV Patrol.

Maalala na kamakailan lang ay nagpa-alam si Kabayan sa TV Patrol matapos nitong makapagdisesyon na sumabak sa politika. Peru makalipas ang ilang araw sa kanyang pagfile ng kandidatura ay biglang nagback-out si Kabayan.

 "I feel sad my friend Kabayan Noli de Castro backed out of the Senate race. His voice is also missed in TVPatrol. Though the women are doing a great job now" sabi ni Korina 

Si Karen Davila ang pumalit kay de Castro sa nasabing programa.

Ayon pa kay Karen naalala raw niya si de Castro lalo na ngayong Halloween.

"I always remember Kabayan towards Halloween. One Halloween Special we collaborated on an episode. Memorable. Kabayan, saan ka man naron, si Noli ka pa din."

Samantala, naging mukha ng news program si Kabayan mula nong 1987 bago pansamantalang nawala nang maging senador at bise presidente ng bansa. Bumalik matapos ang termino noong 2010 bago tuluyang umalis ngayong taon. 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post