Nagtrending ang broadcaster na si Karen Davila sa kanyang unang araw sa pagbabalik niya kahapon, October 11 bilang news anchor sa TV Patrol.

Sa kasagsagan ng pagdeliver ng spiels ni Henry Omaga Diaz, ay natawa na lamang si Karen na humarap sa camera matapos siyang tamaan ng dahon sa kanyang mukha.

Malakas kasi ang hangin kahapon sa Metro Manila dulot ng bagyong Maring.

Hindi naman nagpadala si Karen sa tumama sa kanyang dahon at tuloy parin sa kanyang pagpose.

Matapos itong magviral ay napareact si Karen.

Sa kanyang post sa instagram ay ibinahagi ni Karen ang nasabing video blooper na kuha mula sa TV Patrol.

Sabi ni Karen sa kanyang caption:"Literally turning over a new leaf. Mahangin lang talaga sa labas lol. Have a good day everyone! Christmas is around the corner. See you later on TVP"

Panoorin dito:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post