Nagreact na ang Viral Scandal star na si Joshua Garcia matapos niyang malaman na hinangaan siya ng actress na si Ivana Alawi.

Sa mediacon ng Viral Scandal nitong lamang October 19 ay napag-usapan nga ang tungkol sa paghanga ni Ivana sa kanya.

"Kung may humanga sa akin, nakakadagdag ng confidence yun di ba para sa lalake? 

"Hindi ko alam reaction ko .Siyempre thank you kasi na-a-appreciate niya yung work na ginagawa ko.

" Base sa narinig ko at nakita ko, sabi nga niya parang na-appreciate daw niya yung acting ko and very thankful ako as an actor. Maraming salamat."

Open rin daw si Joshua na maging magkaibigan sila ni Ivana.

"I’m open maging kaibigan. Okay lang sa akin,"

Samantala makakasama ni Joshua sa Viral Scandal sina  Jameson Blake, Markus Patterson, Ria Atayde, Maxene Magalona, Aljon Mendoza, Karina Bautista, Louise Abuel, Kaila Estrada, Vance Larena, Gian Magdangal, Arielle Roces, and Aya Fernandez. 

Mapapanood ito sa ibat-ibang kapamilya platforms gaya ng Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC IPTV.



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post