Nagsalita narin sa wakas ang action star na si Jeric Raval kaugnay sa namamagitan sa anak niyang si Aj Raval at sa actor na si Aljur Abrenica.

Maalala na nagviral sina Aljur at Aj matapos aminin ng actress na nililigawan siya ng actor at nasa stage na sila na"getting to know each other".

Sa artikulo ng Pep.ph na isinulat ni Jojo Gabinete ay may tatlong tanong raw si Jeric kay Aljur.

"Una kaming nagkita niyan sa PDEA office dahil inihatid niya ang anak ko. 

"Dun ko siya unang nakausap at tatlong bagay lang ang itinanong ko sa kanya. 

"Una, nanliligaw ba siya sa anak ko? He answered me, 'Yes po.' 

"Second, kung 'ikaw ba ay hiwalay na?' 

"Third, 'Ano kaya ang sasabihin ko sa biyenan mo [Robin Padilla] kung aksidenteng magkita kami?'" 

Nagpaliwanag rin si Jeric kung raw iyon ang kanyang tanong kay Aljur.

"Kaya ko tinanong 'yon dahil, unang-una, alam ko na anak ni Robin ang asawa niya.

"Pangalawa, magkaibigan kami ni Robin, kaya hindi mo maiaalis sa akin na medyo mahiya sa sitwasyon dahil ayokong isipin ng mga tao o ninuman na ang dahilan ng pagkakahiwalay nila o third party, e, ang anak ko. 

"Sabi ko pa sa kanya, 'I have nothing against you, kaya lang kaibigan ko ang biyenan mo. Kung in good faith naman ang panliligaw mo sa anak ko, well, then kailangan nasa ayos ang lahat.' 

"Gaya nga ng nasabi ko, hindi magiging masaya ang isang relasyon kung may natatapakan." 




Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post