Nagsalita narin sa wakas ang actor na si Jeric Raval kaugnay sa panliligaw ni Aljur Abrenica sa kanyang anak na si AJ Raval.

Sa isang exclusive interview ng Pikapika ay isiniwalat ng actor ang kanyang naramdaman kaugnay sa isyu.

"Kung minsan po iniisip ko kung magsasalita pa ba ako d’yan o hindi na, e. Kasi baka mali lang masabi ko mag-boomerang lang sa akin... siguro mas maganda na lang po ’yong tahimik na lang po. Basta ang wish ko lang kina Aljur, e, sana maayos ’yong pamilya niya. Maayos sila mabuo pamilya nila" sabi ng actor 

Tinanong rin siya kung nakapag-usap naba sila ni Robin Padilla.

"Hindi pa po. Hindi pa po. As much as possible, hindi naman namin napag-uusapan. S’yempre ’yong iba kung minsan pati pangalan ko nakakaladkad. Minsan hindi na maganda ’yong sinasabi sa akin. Pinababayaan ko na lang," sabi pa ng actor 

Hinggil naman sa panliligaw ni Aljur sa kanyang anak, mas okay raw kung ayos na ang lahat.

"S’yempre, wala naman pong magulang na gusto ’yong anak niya, e, nasa awkward na situation o nasa alanganing kalagayan. S’yempre lahat naman po tayo, lalo na babae ’yong anak mo, gusto ninyo maayos ’yong kalagayan," said Jeric. 

"S’yempre ’yon naman po ’yong sinabi ko. Sabi ko mismo doon sa lalaki, kailangan nasa ayos lahat. Sana naintindihan mo ako. Lalaki ka rin naman, may anak ka. ’Yon naman po ang sinabi ko," 

Samantala sa isang interview naman ni MJ Marforie ay diretsahang sinagot ng actor ang tungkol sa isyu.


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post