Tapat na inamin ng vlogger at kapamilya star na si Ivana Alawi na nakaka-chat niya ang kanyang celebrity crush na si Joshua Garcia.

Nagsimulang mabuking si Ivana na crush niya si Joshua mula nung batiin siya ni Joshua sa second anniversary niya sa kanyang youtube channel.

Sa latest vlog ni Ogie kung saan nakapanayam niya si Ivana ay diretsahan niyang tinanong ang actress kung ano ang nagustuhan niya kay Joshua.

"Cute 'yung mukha saka mabait siya, saka mukhang family-oriented,"sabi ni Ivana 

Ibinunyag pa ni Ivana na gusto raw niyang makatrabaho si Joshua lalo na at hindi pa raw niya ito nakikita ng personal.

Kaya naman nang biruin siya ni Ogie na kasama nila si Joshua, makikita ang kilig ni Ivana habang sinasabing "Alam ko 'yon, ka-chat ko siya... alam ko nasa taping siya. Wow! updated"  

Nang tanungin naman si Ivana kung iba-vlog ba niya kung sakaling ligawan siya ni Joshua.

Sagot ni Ivana: "Ang hirap kasi na bawat may mangyayaring maganda o bawat may manliligaw, iba-vlog mo agad It should be kept private" 

Panoorin dito ang buong interview:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post