Inulan ng paghanga ang actor na si Arjo Atayde at kanyang pamilya matapos nilang sorpresahin ang kanilang yaya sa birthday nito.

Nito lamang October 9, nagpost ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez ng mga larawan at clip sa pagsorpresa nila sa kanilang Yaya Cherry.

Nagpapasalamat rin si Sylvia sa pagmamahal na ibinigay ng kanilang yaya.

“Sa topakin at laging nakasimangot naming si yaya Cherry, lalo na pag hindi siya naka-red lipstick. Maraming maraming salamat sa pag-aalaga at pagmamahal mo sa amin. Mahal ka din namin @billonescherry Atayde. Maligayang kaarawan sayo.” sabi ni Sylvia

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post