Matapang na inamin ng actress na si Aj Raval ang totoong namamagitan sa kanila ng actor na si Aljur Abrenica.

Sa exclusive interview sa kanya ng Pep.ph ay ibinulgar ni Aj na totoong nanliligaw sa kanya si Aljur Abrenica at nasa 'getting to know each other' stage na sila.

"Yes, totoo. Hindi ako magpapakaipokrita"

"Di na ako magsisinungaling, di na ako magde-deny, kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami."

"Well, totoo naman na nag-uusap kami."

"Yes, siya. Nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other."

"Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know..." pag-amin ni Aj 

Matatandaan na naging usap-usapan kamakailan lang  ang dalawa dahil sa post viral post ni Aljur na ayon sa ilang netizens ay parehas raw ng background sa kwarto ni Aj.

Anong masasabi mo dito?

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post