Tila pinatamaan ni Vice Ganda ang kapwa niyang komedyante na si Ate Gay matapos nitong ibunyag ang pagtulong ni Vice sa kanya noong naospital ito.

Maalala na nilista ni Ate Gay sa kanyang post kung magkano ang naibigay natulong ng ilang artista kabilang dito si Vice.

“Paolo Ballesteros (P30K), Beks Battalion (P30K), Teri Onor (P20K), Vice Ganda (P20K), Ogie Alcasid (P10k), at Ogie Diaz (P10K),” 


Sa latest episode ng Its Showtime, ay ibinunyag ni Vice na may isang tao raw na kanyang tinulungan ng kusa. Hindi niya raw ito ipinagmalaki peru sinabi ito ng taong kanyang tinulungan.

May nang-ookray pa raw sa kanya kung bakit 20k lang ang kanyang binigay at aniya ay nasaktan raw siya.

"Tumulong na ako nang kusa, ayoko nga magpa-acknowledge, kaya hindi ko sinasabi. Pero 'yung nilabas mo pangalan ko, tapos inokray pa ako 'bakit 20,000 lang ang binigay mo?' nasaktan ako. Kapag hindi ka tumulong, parang ang sama mo; 'pag tumulong ka, kukwestyunin pa: 'Bakit 'yun lang ang tinulong mo?' That hurts."sabi ni Vice

Hindi man niya ito pinangalanan peru halatang si Ate Gay ang kanyang pinatamaan.


Source: The Scoop

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post