Binasag narin sa wakas ni Paolo Contis ang kanyang katahimikan kaugnay sa mga kumakalat na tsismis na umanoy mahigit 3 days siyang nagstay sa Baguio na maalalang sinamahan siya ni Yen Santos.

Nito lamang Linggo, sa YouTube vlog ni Ogie Diaz kasama si Jegs ay napag-usapan nila ang tungkol dito.

"May mga nagsasabing limang araw daw sila sa Baguio, meron namang nasusulat na sampung araw sila sa Baguio. Ilang araw ba talaga si Paolo Contis at si Yen Santos sa Baguio?"naguguluhang tanong ni Jegs 

Matapos nito ay ibinahagi ni Ogie na nakapag-usap na sila Paolo kaugnay nito.

"Sabi niya, 'Naloloka na rin ako, mare. Ang sabi nila 5 days daw kami sa Baguio ni Yen. May nasulat naman, 10 days daw kami. Pakisabi gawin na nilang 30 days para happy sila.' 

"Tapos syempre sumeryoso si Paolo, sabi niya, 'Pano mangyayari yun? August 28, nagpabakuna ako sa Caloocan. August 30, nag-taping ako ng Bubble Gang. September 3, taping ako ng Dear Uge. So ano yun?

"Inaaraw araw ko ang akyat panaog sa Baguio? Ano 'to road trip every other day?' so yun ang sinabi ni Paolo. 'Tsaka ang nakakaloka pa rito, ang daming paparazzi at ang daming curious sa everyday schedule of events ko. 

"Nagtataka lang ako dahil ang daming nagpa-picture sakin nung August 28 na nagpabakuna ako sa Caloocan. Ba't walang nag-post? Now is the best time na i-post niyo yun.

 "Napagbibintangan akong lima o sampung araw ako sa Baguio. Sayang walang CCTV nung nagpabakuna ako. Ikaw na bahala, mare, as a friend,'"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post