Nagbigay ng kanyang prankang payo ang talent manager na si Ogie Diaz sa Kapamilya Star na si Andrea Brillantes kaugnay sa viral na statement nito tungkol sa mabilis na pagsikat ng ilang bagong artista.

Sinabi kasi ni Andrea sa mga nakaraang interview na nasasaktan siya sa tuwing may mga bagong artista na mabilis umangat ang career sa showbiz.

Kaya sabi ni Ogie: "Normal lang naman na nararamdaman yan ng isang artista. Ang tagal-tagal bago mo nakamit 'yung pangarap mo

"Bata ka pa naman anak, marami pa namang mangyayari ha, kaya kapit ka lang. Hindi ka pa naman mamamatay bukas, aabutin ka pa ng 95 years. 

"Wag mo nang isipin yan, lalo ka lang maii-stress

"Kasi mas pinatutunayan mo na hindi ka secure, hindi mo pinagpapasalamat kung anong meron ka, 'pag ganyan ang attitude natin. Ipagpasalamat mo nalang kung saan ka dinala ng pangarap mo ngayon 

 "Matuwa ka din para sa magandang sinapit ng career ng iba" 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post