Sasagutin na Neri Miranda asawa ng lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ang reception sa kasal ng isang bride na na-scam ng kanyang coordinator.

Nag-viral kasi ngayong araw ang video ng isang kawawang bride na humagulgol sa labas ng wedding reception venue niya dahil hindi umano na-book ang venue ng kanyang coordinator.

Ang masaklap pa ay binayaran na umano nito ng buo ang kanilang coordinator.

Matapos itong nakita ni Neri ay na-aawa siya sa bride at hinahanap niya ito.

Sabi ni Neri:

"Bilang naging bride din ako, ang pinaka ayaw natin ay mastress sa mismong kasal natin. Kahit lahat ng tao sa paligid natin, di tayo dapat binibigyan ng stress.

Kung sino po ang nakakakilala sa bride, pakisabi po, message po ako or my partner Jonah Cañedo Bautista. Kami na bahala sa reception niya. Malapit lang naman ang Jeju Samgyupsal sa lugar nila. Dun na natin ganapin ang reception nyo. Since mahigpit po ang dine in pa rin, mga 20 pax po ang kakasya sa Jeju Samgyupsal Resto po namin sa Cebu.

Sagot na rin po namin ang cake, may emcee ka na rin po para may program po ang reception nyo. May pabaon kaming TERRA accessories VERY NERI beddings VERY NERI Sleepwear gift from Saturday Dress para sa bride. 🤗

Wala kayong gagastusin mag-asawa. Kami na bahala. May pa-pocket money kami sa inyo kahit papaano. Wag ka nang umiyak. Kami na bahala sa inyo. ❤"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post