Masayang ibinahagi ni Neri Miranda na naku-usap na nila ang viral bride na humahagulgol sa labas ng reception matapos raw itong ma-scam ng kanilang coordinator.

Maalala na nanawagan si Neri sa kanyang social media account sa mga nakakilala sa nasabing Bride na si Cherry Pie at sasagutin raw niya ang reception nito.

Nang mahanap na nila ito at maka-usap ay sobrang saya ni Neri.

Sabi niy: "Yehaaaay! Nakausap na ng business partner ko sila Cherry Pie at nakapag meeting na sila sa Jeju Samgyupsal kanina para ayusin ang naudlot nilang reception. 🤗

Super excited na ako para sa mag-asawa esp kay Cherry Pie. Deserve ng lahat ng kababaihan na maging mala prinsesa sa kanyang kasal. Minsan lang 'to! Syempre ang pinakamahalaga yung nagmamahalan sila ng kanyang kabiyak. Simple man ang reception o magarbo, ang importante ay kung ano ang laman ng kanilang mga puso.❤"

Thank you, partner Jonah Cañedo Bautista sa pag asikaso lahat dyan sa Cebu. ❤

Happy na lahat dahil happy na si Cherry Pie! Excited na ako for them! Pero 🤐 muna ako, hihi!"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post