Talagang todo suporta ang long-time girlfriend ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez na si Kate Jagson sa journey nito sa national pageant.

Si Jagson ay isang isang performance disc jockey sa Cebu na karelasyon ni Gomez sa loob ng 6 years.

Isang proud LBGTQ Member si Gomez na maalalang kinoronahan bilang bagong Miss Universe 2021, nito lamang September 30.

Pumunta si Jagson sa grand coronaration ng Miss Universe Philippines 2021 na ginanap sa Henann Resort sa Bohol base ito sa post niya nito lamang September 30 ng gabi sa kanyang Instagram.

Sunod sunod ang post ni Jagson sa kanyang IG Stories simula ng opening sa pageant hanggang sa coronation moment ng kanyang girlfriend.

Maririnig din sa kanyang post ang pagsigaw niya ng pangalan ni Gomez sa tuwing itoy rarampa.



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post