Nagmamaka-awa ang host na si Luis Manzano na panoorin ang kanyang latest vlog para matulungan isang ang limang taong gulang na si Sopia Amano para sa kaniyang operasyon. 

Ikinuwento ni Luis sa kanyang "vlog for a cause" ang nakita niya sa social media na nakalabas ang tiyan na kung saan dito raw dumaan ang dumi ng bata dahil wala raw butas ang likoran nito.

Lahat raw ng kikitain sa kanyang vlog ay mapupunta sa nasabing bata.

"So ang gusto ko po sanang mangyari, lahat ng kikitain ng vlog na 'to ay ibibigay ko po sa kaniyang pamilya. Dahil kung saka-sakali man, kailangan po niya ng operasyon" 

"Nabalitaan ko pa na may kaunting komplikasyon pa si Sopia. Kaya medyo mahirap-hirap 'yung kailangan gawin para sa kanya."

"Lahat po ng kikitain ng vlog na ito, ibibigay ko sa kanya. Please. Kahit wala kayong pake sa akin, okay lang. Wala kayong pake sa barkada ko na ilalagay ko sa vlog na 'to, okay lang," 

Panoorin dito ang nasabing vlog ni Luis:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post