Tila naguguluhan ang beteranang entertainment columnist na si Lolit Solis sa inilabas na statement ni Paolo Contis na kung saan sinasabi nitong tinawagan niya si Yen Santos para makapag-usap "as a friend".

Maalala na nagviral ang nasabing statement ni Paolo matapos nitong aminin ang kanyang pagkakamali sa hiwalayan nila ni LJ Reyes.

Inamin rin ni Paolo na si Yen Santos ang kanyang kasama sa Baguio at makikipag-usap raw siya bilang magka-ibagan matapos umalis si LJ papuntang amerika dala ang kanilang anak. 

Sa isang artikulo ng Pilipino Star Ngayon na isinulat ni Lolit, ay nagreact siya sa nasabing statement ni Paolo. 

Ayon kay Lolit, wala raw sa timing ang apology ni Paolo.

"Timing is very important sa lahat ng bagay, lalo pa sa crisis management. Hindi mo sinasalubong dapat ‘yung galit na one track mind lang, na kahit ano pa ang gawin mo for the moment hindi maiintindihan ng mga taong galit.

Hintayin mong mag-subside ang galit, saka ka magpaliwanag. Timing. Iyan ang lagi mong tatandaan" sabi ni Lolit 

Isa rin sa ipinagtataka ni Lolit kung bakit si Yen raw ang tinawagan ni Paolo.

"Isa lang ang hindi ko naintindihan, ‘yung kailangan niya ng kausap dahil nga sa mga nangyayari sa kanya ngayon, bakit si Yen Santos ang tinawagan niya? Wala ba siyang kaibigang lalaki? Hindi ba kadalasan, ang gusto mong ka-jamming ay kapwa mo lalaki dahil ito ang higit na mas makakaunawa sa iyo dahil pareho kayo ng gender?

Doon lang talaga tumaas ang kilay ko, why Yen Santos, mother figure? BFF? Why her?"sabi ni Lolit

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post