Full support sina Kim Chiu at Bela Padilla sa relasyon ng kanilang kaibigang si Angelica Panganiban kay Gregg Homan.

Sa Instagram ni Kim, binati niya si Gregg sa birthday nito at pinapasalamatan sa pagpapasaya sa kanyang best friend na si Angelica.

"Happy birthday sa nagpatibok ng puso ng aming momsie nang todo-todo! Miss na namin ang luto mo and Englishan natin, Greg!" Sabi ni Kim sa kanyang Instagram Stories

"Thanks for making our momsie happy! And of course for being so mega nice!" dagdag pa niya 

Samanta si Bela naman ay nirepost lang ang nasabing post ni Kim at nilagyan ng caption na: "This man is #AngBeKi approved!" 

May sweet na mensahe rin Angelica sa kanyang boyfriend. Sabi niya: "Sa hindi inaakalang pagkakataon, ngunit tinakda ng panahon, nakilala ko ang isang tao na nagbigay kasagutan sa lahat ng bakit ko noon,"  

"Maligayang bati sa 'yong, kaarawan, mahal ko. Araw-araw kitang aalagaan, patatawanin, bubusugin, at mamahalin,"  dagdag pa niya 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post