Nagsalita narin sa wakas sina John Lapus at Ogie Diaz kaugnay sa kumakalat ngayon na tsismis na ikinasal na raw sina Xian Lim at Kim Chiu.

Sa showbiz update vlog ni Ogie ay pinag-usapan nila ang nasabing tsismis.

"Kumakalat ang issue ngayon na kasal na nga ba o ikakasal na nga ba si Kim Chiu at si Xian Lim," sabi ni Ogie 

Agad naman kinontak ni John Lapus ang star Magic matapos raw nitong marining ang isyu.

"Syempre tinanong ko agad-agad ang Star Magic, medyo malabo raw na ikasal si Xian at si Kim."

"Lalo na may mga contracts pa sila, especially on the side of Kim, kasi diba may mga contract na ano, may clause na bawal kang kasal lalo na sa mga beauty products." 

Nang magtanong si Ogie kung totoo ba raw na kasal na sina Kim at Xian.

Sagot ni John: "Hindi yan totoo, from Star Magic," 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post