Di mapigilang maging emosyonal ni Ivana Alawi habang inalala ang huling sandali ng kanyang amang si Samier Al-Alawi sa ospital.

Kwento ni Ivana sa kanyang latest vlog, tinawagan raw siya ng kanyang ama para papuntahin sa ospital kung saan ito na-confined.

"Tumawag siya sakin, tas nag-text siya na nasa hospital siya kasi nagbakasyon siya dun sa Subic," 

Pagdating raw niya sa ospital, binati raw siya ng mga doktor at napatanong siya kung bakit nakakilala ang mga doktor sa kanya.

"Sabi ko, 'Huh? Pano niyo nalaman?' 'Eh kanina pa pinagmamalaki ni sir nasa Probinsyano ka raw.' Na-touch ako dun,"

 "Alam niyo naman na sa Probinsyano, sexy yung role ko dun so the point na parang tinanggap niya na proud siya sakin," 

Nang magkita na sila ng kanyang ama, nagpapicture raw ito sa kanya at sinabing proud siya sa kanyang anak.

"After nun, sabi ko, 'Sige dad, ayusin ko na yung ano.' Kasi andun na yung ambulance, kailangan ayusin para makalipat agad siya sa mas magandang facility. Tas paglabas ko, wala na. Inintay niya akong tumalikod." 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post