Agaw-pansin ngayon sa social media ang ex-boyfriend ni Miss Universe Philippines Rabiya Matteo na si Neil Salvacion dahil sa kanyang matinding hugot ng mag-audition sa Pinoy Big Brother season 10.

Sa kanyang audion entry, ay ipinakilala ni Neil ang kanyang sarili at kung bakit siya karapat-dapat na piliin bilang  housemate.

"Ako po ay isang COVID nurse na dapat ay mag-a-abroad pero mas piniling manilbihan dito sa bansa bilang isang frontliner. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ang buhay ko po ay hospital-bahay. Minsan, masisilayan mo ang huling hininga ng mga pasyente. Ito at iba’t ibang hugot sa buhay ang aking maiaambag sa PBB Kumunity -- kung paano ang buhay ng isang frontliner," sabi ni Neil 

"Dumating ang panahon na bawal kang lumapit sa mga mahal mo sa buhay dahil hindi mo alam kung positive or negative ka, kailangan mo mag-isolate,” dagdag pa niya 

"Nakakalungkot man mag-isolate ng ilang buwan, mas nakakalungkot pala maiwan ka ng taong minamahal mo dahil sa pangarap nitong korona. Coronavirus o korona sa patimpalak ay ilan lamang sa mga hamon sa aking buhay. It’s about time for me to share my story, how I conquered them, and how will I inspire other people," hugot pa ni Neil 

"Bagong bahay, bagong buhay, bagong mga hamon sa buhay. Muli, ako po si Neil Salvacion, 27, ang frontline-nurse ng Iloilo City." pagtatapos niya 


Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post