Sa latest showbiz update vlog ni Ogie Diaz ay na-interview niya ang dating Ang Probinsyano actor na si Ron Morales.

Sa nasabing interview ay ibinahagi ni Ron ang kanyang simpleng buhay ngayon sa Canada matapos ang pagmigrate niya doon way back 2018.

Kwento ni Ron, umalis siya ng Pilipinas para magkaroon ng regular na trabaho.

"Nung pumasok ako dito sa Canada, ang naging work ko is a prep cook. Ang trabaho ko is nagpe-prepare ako ng lahat ng gagamitin ng kitchen for the whole day. I work with the chef."

"Lahat ng gagamitin nilang sauce, na dips, lahat nung menu na sine-serve namin sa local restaurant dito, ako gumagawa nun. Natuto akong mag-bake. Natuto akong gumawa ng bread."

"Masaya, at first medyo nag-struggle ako pero parang inisip ko na lang na ito yung goal ko dito sa Canada. Okay naman, mababait naman yun may ari ng restaurant," kwento ni Ron 

Narito ang buong interview:

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post