Nagluluksa ngayon ang dating asawa ni Noemi Tesorero o kilala bilang Mahal na si Jobbie Hebrio sa biglaang pagpanaw ng komedyante.

Si Mahal ay pumanaw nito lamang August 31 sa edad na 46 dahil sa digestive complications at COVID-19.

Matapos niyang malamang wala na si Mahal ay labis na nasaktan si Jobbie at nagpost siya ng maikling mensahe sa kanyang facebook: "Masakit pero need magpakatatag".

Sina Mahal at Jobbie ay ikinasal sa Quezon City Hall noong November 2, 2015 peru nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Bihira lang na makita si Jobbie dito sa Pilipinas dahil nagtatrabaho ito sa abroad.



Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post