Sa isang interview ni Miguel Dumawal ng ABS-CBN News kanya, inamin ng beteranong host na may pag-uusap sya sa pagitan ng Kapuso Network, at maging ng Kapatid Network na TV5.
"I have been in discussion with various parties, including people who are affiliated with 7. I’ve been offered by other channels. I’ve been asked by people affiliated with TV5. I’ve been negotiating with other independent producers to do talk shows,"
Peru ayon kay Tito Boy, maghihintay siya sa pagbabalik ng ABSCBN.
“But I’m still waiting for ABS-CBN to have free TV,"
“I will wait, If, halimbawa, free TV ang ABS, we wouldn’t even be talking about this. Iyon lang naman ang inaantay ko. I miss television. I miss doing my talk shows on television.”
“So, kung walang-wala na talaga, eh ‘di mag-a-apply na ako sa iba. Pero sa ngayon, hindi totoo ‘yun,”
Nagtataka naman si Tito Boy kung bakit pumutok ang balitang lilipat siya sa GMA dahil wala naman daw siyang natanggap na offer.
“Hindi ko alam kung bakit pumuputok ngayon ‘yan,” ayon sa kanya. “Nahihiya tuloy ako sa Channel 7. Wala namang offer sa akin ang Channel 7.”
Ayon pa kay Tito maghihintay siya hanggang magkaroon ng prankisa ang ABSCBN:
“Hindi totoo na lilipat ako ngayon, pero hindi ko ikinakatwa na merong mga pag-uusap in the past with people connected to various stations. Pero nothing happened, nothing came out of it, because it was too early in the game,
“Ang sinasabi ko, maghihintay ako hanggang magkaroon ng prangkisa ang ABS-CBN. Mahirap magsalita nang patapos, pero right now the answer is no,”
JUST IN: Boy Abunda denies he is set to switch networks, contrary to rumors. | via @migueldumaual pic.twitter.com/ec4XCcFtIE
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) September 29, 2021