Nagsorry ang komedyanteng si Ate Gay o Gil Aducal Morales sa totoong buhay kay Its Showtime host Vice Ganda matapos itong masaktan dahil sa pangmamaliit ng bashers sa halaga na ibinagay na tulong nito sa kanya noong magkasakit ito.

Ito ay matapos maglabas ng kanyang sentimento si Vice sa isang episode sa Its Showtime, na kung saan inokray siya ng ilang netizens kung bakit 20k lang daw ang ibinagay na tulong niya kay Ate Gay.

Aminado si Vice na nasaktan siya rito dahil kusa raw niya itong ibinigay.

"Tumulong na ako nang kusa, ayoko nga magpa-acknowledge, kaya hindi ko sinasabi. Pero 'yung nilabas mo pangalan ko, tapos inokray pa ako 'bakit 20,000 lang ang binigay mo?' nasaktan ako. Kapag hindi ka tumulong, parang ang sama mo; 'pag tumulong ka, kukwestyunin pa: 'Bakit 'yun lang ang tinulong mo?' That hurts."sabi ni Vice 

Samantala nito lamang Biyernes, ay nagpost si Ate Gay ng statement sa kanyang instagram kaugnay sa isyu.

Sabi niya: "naprovoke lang po ako sa isang fan na sabihan ako na sana di nalang ako tinulungan ni vice sana NAM*TAY nalang ako kaya nilabas ko mga amount ng tumulong sa akin.. 

nagpapasalamat ako kay vice at si ogie diaz ang tulay sa pagsosorry ko kay vice.. masyado lang ako nasaktan sa basher.. sana mapatawad nyo ako .. lalo na mga kaibigan kong tumulong sa akin at sa kapatid ko... ❤❤❤"

Post a Comment

Dont Forget to Leave a comment

Previous Post Next Post